top of page
Search

Plants make us feel better at the same time bring Enormous Positivity

  • Writer: Trishia May Valencia
    Trishia May Valencia
  • Jun 20, 2021
  • 1 min read

As someone who loves plants and nature, masasabi ko na iba ang saya na nararamdaman ko tuwing makakakita ako ng mga ito. I never knew that including plants in my life will make myself feel a special warmth and peacefulness. Yung tipong walang katulad, all I can see is their beauty and the peace they gave me. Naalala ko rin na kadalasan ako ang nagdidilig ng mga halaman dati sa aming probinsya. Iba-iba ang mga halaman na nandoon pero lahat ay mga magaganda sa paningin. Kadalasan ko rin itong tinitingnan at kinukuhanan ng mga litrato, ginagawa ko ito sa kadahilanang iba ang saya at kapayapaan ang binibigay sa akin ng mga ito. At tsaka, kasabay ng paghampas ng hangin sa mga halaman ay kasabay din ng pag-gaan ng aking pakiramdam. Tila ito'y nagtatanggal ng mga problema at negatibo sa aking katawan. Nakakalungkot lang isipin na di na ako masyado nakakakita ng mga halaman sa aming komunidad ngayon as compared sa mga nakikita ko sa probinsya. Pero salamat sa magandang dulot ng social media na ipalaganap ang pagaalaga ng halaman. Dahil dito, kahit papano nagkakaroon ng kulay ang komunidad na dati ay nagmumukhang walang kulay.

At sa mga kadahilanang ito, all I can say is that, having plants in our lives is one of the best thing that we ever bumped into our life. Ito ay isang malaking biyaya na binigay sa atin ng Diyos at lagi dapat natin itong ingatan at alagaan.
 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

Tita Masitas

Disclaimer: For Educational Purposes Only

Parañaque, Metro Manila, Philippines

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by Tita Masitas. Proudly created with Wix.com

  • Facebook
  • Instagram
bottom of page