Ang pagiging Plantita ni Mama
- Charmaine Muñoz
- Jun 14, 2021
- 2 min read
Simula pa noong Marso 2020, napasailalim sa community quarantine ang mga lugar sa Pilipinas. Maraming pilipino ang nainip sa kanilang mga tahanan. Dahil dito, maraming pilipino ang nahumaling sa pag aalaga at pagtitinda nito.
Isa lang naman ang mama ko ang naging plantita ngayong may pandemic. Isa ang mama ko na kinagigiliwan ang mga halaman, noong una hindi ko maintindihan bakit araw araw may bagong halaman si mama maliit man o malaking paso mayroon siya. Bumili pa siya ng pandilig ng halaman para daw sosyal. Ayaw na ayaw ko talaga magdilig noon kasi hindi ko naman nakasanayan yung ganito. Tuwing nababangga yung mga halaman niya naiinis siya. "Oh yung halaman ko, baka maputol". Pero ngayon unti unti ko ng na-realize na nakakarelax pala magdilig, dahil sa utos ni mama na diligan mga halaman niya nag eenjoy ako. Minsan pa yung mga nakikita ko sa social media na mga halaman na cute o maganda sinasabi ko sa kanya na bumili. Nakakatuwa na may mga halaman sa bahay dahil kapag nagmumuni-muni ako masaya silang titigan.
Sa totoo lang marami ng halaman si mama sa rooftop namin, tuwing humahangin sumasayaw rin ang mga halaman ni mama at masarap sa pakiramdam kasi refreshing. Sobrang laking tulong ng mga halaman sa mental health namin lalo na kay mama, sobrang sariwa ng hangin kapag may mga halaman at nililinis rin nito ang maduming hangin. Maraming benefits ang mga halaman sa buhay natin.
Tulad natin may mga buhay rin ang mga halaman na dapat rin nating mahalin at alagaan para mabuhay ng matagal. Ang pag grow natin sa buhay bilang tao ay dahil sa mga totoong nagmamahal, nagtitiwala at nag alalaga sa atin na parang mga halaman rin maggo-grow lang sila kung ipinaparamdam natin ang pagmamahal, pag-aalaga at pagtitiwala.
Ang pag aalaga naman ng mga halaman hindi rin madali sa una pero kung pagsisikapang matutunan sobrang worth it. I swear!
Comments