top of page
Search

From "Ayoko Ma" to "Ma, itabi mo. Ako na"

  • Writer: Angelo Mae Marzon
    Angelo Mae Marzon
  • Jun 15, 2021
  • 3 min read

“Angelo, yung mga halaman ah? Wag mo kalimutan diligan yan mamaya.”


Ito yung palaging sinasabi sa akin ni Mama sa umaga bago sya pumasok sa trabaho. Mas nauuna nya pa ata ito sabihin kaysa sa paalalahanan ako na mag almusal. Nung una, hindi ako komportable kasi hindi naman ako mahilig sa plants o sa pag-aalaga ng mga halaman. Mas okay sa akin na makita ko lang maganda yung mga halaman pero yung diligan yung mga halaman sa umaga at hapon, pakiramdam ko hindi ko magagawa o hindi ko maeenjoy. Siguro dahil na din nung bata pa lang ako, wala naman akong nakikitang halaman na inaalagaan ni mama. Bukod sa walang sapat na space para sa mga halaman dahil sa maliit na iskinita sa amin, wala ding budget si Mama para bumili ng mga paso o iba pang kailangan sa pag-aalalaga ng halaman. Ngayon lang nagkaroon si Mama ng mga alagang halaman dahil na din sa naging uso ito nang magsimula ang pandemic last year at dahil na din sa maliit na space sa bagong bahay na pansamantala naming tinutuluyan. Kaya ayun, paunti-unti, nagkaroon si Mama ng mga halaman. Isa, dalawa at tatlong paso lang sa una hanggang sa naging lagpas sampu. Dahil sa pagdami ng halaman ni Mama, nagpasimula na din nyang ibilin sa akin ang mga ito na halos uma-umaga ko naririnig sa kaniya ang pangbungad na linya sa itaas.


Nung una, labag sa loob ko ang magdilig sa araw-araw. Paano ba naman kasi, kailangan ko pa magbibit ng balde na may lamang tubig sa itaas namin para dalhin sa maliit na space sa labas ng bintana namin at doon magdilig ng mga halaman. Ang bigat kaya! Nung una din, nagrereklamo ako bakit hindi na lang magkaroon ng gripo doon sa taas para hindi na ako magbibitbit ng balde na may lamang tubig. Nung sinabi ko yun may Mama, pinagalitan nya ako kasi hindi daw pwede dahil pansamantala lang naman daw kami sa bahay na tinutuluyan namin ngayon at baka sa susunod na buwan ay lilipat na kami sa bago bahay. Pero kasi, ang bigat talaga nung balde. Kaso wala naman akong magagawa kasi ako lang naman ang tao sa bahay kapag wala si Papa, Mama at Ate. Baka din pagalitan ako ni Mama pag nakita nyang nalalanta yung halaman nya.


Nagtuloy-tuloy yung pagdidlig ko ng halaman hanggang sa unti-unti ko na din ito nagustuhang gawin sa umaga at hapon. Naging dahilan din kasi yung nakikita ko yung halaman na namumukadkad at dumadami yung dahon nito. Ang sarap pala sa feeling. Dun ko din unti-unting narealize na ganito pala yung pakiramdam mag-alaga ng isang halaman. Hindi sya madali sa una pero habang nakikita kong lumalago yung mga halaman, mas nagkaroon ako ng courage at inspirasyon para mag-alaga pa at makita na lumago sila. Nung nakikita ko na dumadami na yung dahon nung halaman ni Mama, gusto kong sabihin sa sarili ko na, “Alaga ko ‘yan!” Pero sa isip-isip ko, baka batukan lang ako ni Mama Hahahaha!


Dahil sa pag-aalaga ng mga munting halaman, marami din ako natutunan. Simpleng gawain na nagturo sa akin na mga mahahalagang aral. Ang maging mapagpasensya, magpursigi at magsipag. Hindi madali sa una, pero magiging worth it din sa dulo basta magpatuloy at hindi susuko.

Kagaya ng mga halaman, tayo rin ay nararapat na lumago sa tulong ng dilig ng agos ng buhay. Kagaya ng mga halaman, kailangan din natin ng mga taong handang tumulong at mag gabay sa atin. Life is more meaningful if we live it with those people who truly love and support us always.

Lakaran natin ang buhay ng may sigla, tyaga at higit sa lahat, may pananampalataya.

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

Tita Masitas

Disclaimer: For Educational Purposes Only

Parañaque, Metro Manila, Philippines

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by Tita Masitas. Proudly created with Wix.com

  • Facebook
  • Instagram
bottom of page